Sun, 18 Apr 2021

Infocast, SMS sa kapitolyo ilulunsad sa Camarines Norte

Philippine Information Agency
25 Feb 2021, 16:38 GMT+10

DAET, Camarines Norte, Pebrero 25 (PIA) - Hindi maglalaon ay ilulunsad na rin ang infocast o web-based text messaging service para sa text broadcast o paghahatid ng impormasyon sa mga taga Camarines Norte gamit ang text messaging ukol sa mga programa at mahahalagang impormasyon mula sa pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte.

Sa pamamagitan ng Short Message Service (SMS) na tinaguriang "I-Share mo kay Gob. Egay" ay mapapabilis ang pakikipag-ugnayan ng publiko sa punong lalawigan.

Ang isinagawang courtesy call ng mga kinatawan ng Smart Telecommunications at PLDT sa tanggapan ni Gobernador Edgardo A. Tallado upang pag-usapan ang pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan tungkol sa ibat-ibang mga proyekto at programa ng lalawigan. (PIA5/ Camarines Norte/ larawan mula kay Luigi Querubin, CAO-PG)

Dahil dito, magiging madali ang pagpapaabot ng impormasyon at sagot sa mga katanungan ng publiko sa mga usaping katulad ng Travel Pass Application, COVID-19 vaccination, African Swine Fever (ASF) at information campaign para sa mga potential recipient ng mga programa ganundin ang mga official announcement.

Isang hotline number din ang bubuksan para sa pagbabakuna laban sa COVID-19 sa ilalim ng pangangasiwa ng Provincial Epidemiology Surveilance Unit (PESU) ng Provincial Health Office (PHO).

Ang system administration ng infocast ay pangangasiwaan ng Community Affairs Office (CAO) at Tech4Ed Center ng kapitolyo samantalang tagapaghatid ng impormasyon at tugon naman ang Office of the Governor at Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ukol sa kalamidad at COVID-19 operation.

Isinagawa rin ang pagsasanay sa paggamit ng infocast sa mga piling kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Ang infocast ay una nang ginamit hanggang sa kasalukuyan ng CAO sa Provincial Government College Education Assistance Program (PGCEAP) at PDRRMO.

Bunga ito ng courtesy call kay Gobernador Edgardo A. Tallado ng mga key personality ng Smart Telecommunications sa rehiyong Bikol na kinabibilangan nina Jun Bonggao, area head ng PLDT at Smart Prepaid Team, Ric Candia, community engagement, Mike Ong, business development manager prepaid, Jolas Gatmaitan, supervisor ng PLDT at Choi Bernardo Agrade, area head retail store operations.

Naging kaagapay ni Gobernador Tallado sa pagpupulong si Community Affairs Officer Jocelyn Grace A. Calimlim, communication response cluster head ng Provincial Incident Management Team (IMT).

Kasama rin si Senior Tourism Operations Officer Engr. Joel Segundo, kinatawan ng Provincial Tourism Office para sa muling pag-uusap ukol sa Tourism Applications na inalok ng Smart telco tulad ng Digital Tour Guiding para sa nakaraang Bantayog Festival na hindi natuloy dahil sa pandemya.

Ang paglulunsad ay gaganapin sa nalalapit na Virtual Bantayog Festival at magkakaloob pa sila ng unlimited internet connection sa nalalapit na pagdiriwang ngayong taon.

Matatandaang taong 2015 ng magsimula ang pagtutulungan ng Smart at pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng tanggapan ng CAO na higit pang pinaigting ngayon upang mapalakas ang ugnayan sa mga mamamayan gamit ang telekomunikasyon. (PIA5/Camarines Norte/ulat mula kay Ivy C. Garcia, CAO-PG)

More Uganda News

Access More

Sign up for Uganda News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!